Saturday, November 20, 2010

Saturdays

Hindi naman umulan, pero cloudy! Hirap kung pumunta sa kabilang isla. Kasi malamang pangit ang kuha sa picture.

Kaya ayun, option #2, Shopping ulit. This time, konti lang naman. Dapat pigilan ang sarili kasi hindi alam kung aabutin ng 20kilos yung maleta. Plus 5kg kasi frequent flyer ako. I should have included my winter clothes in the previous flight! Arrgghhh...

Napanood ko rin ang part 1 of the last series of Harry Potter the movie. Natuwa naman ako. Kay tagal ko na kasi nabasa ang book kaya walang effect na sa akin kung sunod sa story o hindi. Pero malamang sa alamang, hindi.

Hindi ko nakapagkape! Paano kasi ayaw ko na ng masyadong matatamis. Ayan, senyales na ng pagiging matanda. Baka mainis lang rin ako kung mataas ang acidity.

Friday, November 19, 2010

Today I BLOG

Hindi naman ako mahilig mag-blog. Pero sabi nga ni friend pwede ito maging outlet mo. Yung "dear diary" ko noong bata pa ako, hindi naging successful. I can never be Anne Frank kasi patay na si Hitler. Let us see kung saan ang patutunguhan ng blog na ito. Malay mo sumikat ako!

Bukas, balak ko sana tumawid ng dagat at mag-hike for an hour sa bundok/volcano. Yeesss.. nagiging Kiwi na rin paunti-unti. Kaso uulan daw sabi sa METS. What a weekend! Akala ko ba Spring na!?!?!

Option 2, pumunta sa dressmart mall, manood ng sine at bumili ng masarap na kape (inumin habang nanonood ng Harry Potter).